KAPA New Update

SharingIsCaring

Well-known member
Established
Joined
Aug 12, 2019
Messages
159
Reaction score
74
Points
28
Age
19
Location
Kpop
Reply Affidavit ng Sec sa Kapa Pinasusumite ng DOJ sa susunod na pagdinig.

Inaasahan na magsusumite ng kanilang reply-affidavit sa susunod na Linggo Agosto 15 ang Securities and Exchange Commission (SEC) matapos naghain ng counter affidavit kamakailan lamang ang mga inireklamong opisyal ng Kapa Community Ministry International Inc. sa Department of Justice (DOJ).

Kasunod na rin ito ng kautusan ng Department of Justice (DoJ) panel sa SEC na magsumite ng kanilang tugon sa counter affidavit.

Samantala nasa 10 araw naman ang ibinigay ng DoJ panel sa mga respondent o mga inireklamong Kapa Official para magsumite ng kanilang rejoinder affidavitkapag naisumite na ng SEC ang kanilang tugon.

Sa nakaraang pagdinig dumalo ang legal team ng Kapa na sina Atty. Montano Nazario Jr., Atty. Karl Steven Co at Atty. Mae Divinagracia na abogado ni Pastor Joel Apolinario, ang founder ng KAPA Community Ministry International.

Inaasahan namang agad na makapagpalabas na ng desisyon ang DOJ panel na sana ay papabor sa Kapa dahil sa maraming apektadong naghihintay ng pagbalik-operasyon nito lalo na ang mga umaasa sa kanilang edukasyon medikasyon at pang-araw-araw na hanap buhay.


ctto:

Bong Cagape
Kapa Media and Marketing Network
Kapa Global
Jack Radio Koronadal

KAPA-LOGO.jpg
 
Last edited by a moderator:
Top Bottom